Paano i-on ang WebGL sa Firefox
Para mag-edit ng mga video o imahe sa CapCut Online, kailangan mong i-on ang WebGL.
I-click ang link na ito, at kung hindi ka makakita ng umiikot na cube, ibig sabihin, hindi mo pa na-on ang WebGL sa browser mo.
Sundin ang mga tagubilin sa ibaba para i-on ang WebGL:
1. I-update ang Firefox mo sa pinakabagong bersyon.
2. I-enter at bisitahin ang “about:config” sa address bar. Kung makikita mo ang page na “Magpatuloy nang may Pag-iingat” page, i-click ang “Tanggapin ang Panganib at Magpatuloy”.
3. Hanapin ang “webgl.force-enabled”. At piliin ang “true”.
4. Hanapin ang “webgl.disabled”. At piliin ang “false”.
5. I-restart ang Firefox at buksan ang CapCut Online.
Kung mangyayari ulit ang problema pagkatapos mong gawin ang mga hakbang sa itaas, posibleng hindi mo magamit ang CapCut Online sa device mo. Sumubok ng ibang device at buksan ang CapCut Online sa pinakabagong bersyon ng Google Chrome.